BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Huwebes, Oktubre 20, 2011

A B KOLEHIYO N P L AKO?!

A B KOLEHIYO N P L AKO?! By: Bebang

            Simula.

            Iminulat ko ang aking mga mata at marahang tumingala sa kisame. Waring nagiisip kung ano ba ang dapat kong sabihin kapag dumating na ang oras upang ako ang pumasok sa isang silid kung saan ang lahat ng pumapasok ng nakangiti ay lumalabas ng tulala at tahimik. Hindi maalis sa aking isipan ang isipin ang tungkol sa mga bagay bagay na pinagdaanan ko nitong mga nakaraang taon. Masaya, malungkot, magulo at paikut-ikot ang mga emosyong naalala ko sa mga nagdaang taong na ako ay isang estudyante. Isang estudyante na walang muwang sa tunay na kalupitan ng tunay na mundo sa labas ng pader ng paaralan. Malinaw pa ang lahat sa aking isipan pamula noong una akong maglakad sa pasilyo ng aking paaralan na pinasukan patungo sa silid na aking kinatakutan hanggang sa aking pagmarcha sa araw ng aking pagtatapos.

            Eto na ako ngayon. Ready? FIGHT!




       Maraming monster stories ang nagkalat sa eskwelahan ko noong high school tungkol sa college. Monster dahil sa dami ng gawain eh hindi ka na makakatulog at magmumukha ka nang monster. Monster dahil sa hirap ng gawain eh hindi mo na pipiliing mag-ayos pa ng sarili mo at monster dahil sa mga halimaw naa prefessors na walang alam gawin kung hindi ng pahirapan ang mga estudyante. Lalung lalo na ang mga graduating.

             Hindi ako naniniwala noon sa mga tinatawag na monster stories. Mayabang ako noong high school sa kadahilanang mayabang din ang mga kasama ko sa klase. Bago kami grumaduate ay payabangan kami kung saang University kami papasok. Madaming nagsabi ng UP. May mga nasabing sa Ateneo o La salle sila at pwedeng sa UST. Mayroon ding nag-ibang bansa pa para lang mag-aral. Madaming magagandang university ang ipinang-hihiba namin noon pero walang naglakas loob na nagsabi dun sila sa paaralan namin papasok. Isa ako doon. Isa ako sa mayayabang na nagsabing hinding hindi ako papasok sa aking eskwelahan noong high school. Sigurado ako ng mga panahong yun. Ayokong pumasok sa isa lamang “college.” Ang gusto ko, “UNIVERSITY” at hindi lang basta university. Ang gusto ko yung nabibilang sa top 3.

            Bilang hindi naman mayaman ang aking mga magulang, wala akong ibang pwedeng pag-piliiang paraaralan kung hindi UP Diliman o UPLB. Wala akong magagawa. Doon lang mura ang tuiton. Dun lang afford ang bayad at dun na din pinaka maganda ang pag-aaral. Dahil sa mayabang ako, hindi pa man ako kumukuha ng entrance exam ay iniimagine ko na kakalabasan ko sa kolehiyo. Iniimagine ko na ang paglalakad ko sa hallway ng UP. Iniimagine ko na ang sarili kong nag-sastand-out sa iba. At nakikita ko na ang sarili kong hindi na hinahamak ng iba kong kaklaseng mas matalino kaysa sa akin.

            Dumating ang resulta ng UPCAT noon. Tandang tanda ko. Gabi-gabi kong inaabangan ang paglabas ng resulta sa internet. Half day noon, kakatapos lamang ng exam. Lumabas ang resulta. Hinanap ko ang pangalan ko sa listahan ngunit wala ito. Hindi ako nakapasa. Hindi ko mabibigyan ng katarungan ang mga kayabangan ko. Hinanap ko ang pangalan ng matalik kong kaibigan na kasama kong nangarap na makapasa sa pinaka magaling na unibersidad sa bansa. Nakapasa siya. Lalo akong binalot ng hiya at pagka dismaya. Hindi ako nalungkot dahil sa nakapasa ang kaibigan ko. Nalungkot ako dahil naisip kong wala nanaman akong mukhang maihaharap sa mga taong niyabangan ko. Wala akong mukhang maihaharap sa mga magulang ko at higit sa lahat ay wala akong mukhang maihaharap sa sarili ko. Failed. Failed nanaman ako sa isang bagay na pinangarap ko.

            Kinuha ko ang telepono namin at i-dinial ang numero ng bahay ng matalik kong kaibigan. Sinabi ko sa kanya ang magandang balita para sa kanya habang ang aking tinig ay halata mong unti-unting nawawalan ng enerhiya at nararamdama ko ang unti-unting pagbagsak ng mga luha sa aking mga mata. Unti-unting hindi na ako makausap ng aking kaibigan. Paulit-ulit kong narinig ang pagtawag niya sa pangalan ko habang ako naman ay lugmok sa kalungkutan at pagkadismaya na walang humpay sa pag-iyak. Ibinaba ko ang telepono upang mapag-isa. Ayokong may makaalam ng aking pag-iyak ko. Ayokong may makaalam na mahina ako. Dumating ang mga magulang ko galing trabaho hindi pa rin tumitigil ang mata ko sa paglalabas luha. Para akong namatayan sa pag-iyak ko. Walang humpay at walang tigil. Hiyang hiya ako. Hiyang hiya ako sa sarili ko at sa mga magulang ko. Hindi ko akalain ang mga ganitong bagay ay dadating sa buhay ko. Hindi ako parang namatayan pagkat talagang namatayan ako. Namatayan ako ng pangarap at ng pag-kakataong maiayos ang aking kinabukasan kasama ng mga mahal ko sa buhay.

Nang mga panahong iyon wala akong nasa isipan kung hindi ang magkaroon ng magandang marka upang mag-qualify ako sa transfer sa UP . Yun ang goal ko. Walang iba. Walang makakahadlang para muli kong maibalik ang kahihiyan sa aking katawan. Para sa akin mahalaga talaga ang uri ng paaralang pinanggalingan. Kailangan university para sure ang trabaho. Kailangan university para may future. Kailangan university para may maipagyabang. Kailangang university kasi kailangan. Yan ang paniniwala ko noon na ikinahihiya ko na ngayon. I was nothing but a copy cat. Hindi ko inisip ang hirap na pwedeng dalhin sa akin. Ang tanging nasa isip ko lang noon ay ang mapatunayan sa iba na kaya ko din ang nakaya nila. Kung mayabang sila ay mas mayabang ako at kung nagawa nilang gumaling ay kaya ko din.

            Tatlong bwan makalipas lumabas ang resulta ng exam ko, nagpunta ako sa UP para ayusin ang papers ko para sa waitlist. Inasahan kong maapprove ako dahil sa may kakilala kami sa loob ngunit sa pangalawang pagkakataon ay nabigo ako. Hindi inasikaso ng kakilala namin sa loob ang papers ko. Bumagsak ako sa interview at 2nd sem ako nag-qualify. Ayoko na. Suko na ko. Kung hindi para sa akin tama na. I’ve had enough of this pointless fight. I did my very best sa lahat pero mukhang hindi talaga sa akin ang university.     

            Kinausap ako ng mga magulang ko tungkol sa nangyari. Sinabi nilang hindi pa dito titigil ang aking mundo at kailangan ko lamang magpatuloy. Wala na akong choice noon. Ilang araw na lamang ay magsisimula na ang pasukan para sa unang taon ko sa kolehiyo. Hindi ko pa rin alam kung saan ako papasok. Hindi ko alam kung anong kurso ang kukuhanin ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Pansamantalang nawalan ako ng direksyon sa kung ano talaga ang gusto ko. Pansamantalang tinanggap ko lang ang kung anong sabihin sa akin ng walang kahit anong reklamo. I retreated and I surrendered. White flag rises at sila na lang ang bahala sa kailangan kong gawin. Iminungkahi ng aking ama na pumasok ako sa aking paaralan noong high school. Nagulat ako sa sinabi niya. Isa iyon sa iniiwasan kong marinig at gawin. Isa iyon sa kinatatakutan kong gawin. Masyado kong ikinumpara ang paaralan ko noon sa mga unibersidad sa Maynila. Ngunit wala na akong pwedeng magawa. Wala na akong pwedeng ianggal pa. Kung hindi ko pa tatanggapin ang oportunidad na ito ay lalong walang mangyayari sa buhay ko. Nagdedsisyon ako. Pumayag ako. Kinain ko ang pride ko. Kumuha ako ng exam sa school ko noon at duon ako nag-enroll. Kumuha din ako ng kursong hindi ko akalaing kukuhanin ko. COMSCI.

            Ayoko sa math pero napilitan akong kuhanin ang course na ito. Karamihan naman sa kanila ang nagsabing kaya ko ang math nito kaya naman tinanggap ko. Ayos. Enrolled na ako. May papasukan na ako at may future na ako. Moment of truth. Kailangang magpakatino na ako. Kailangang seryosohin ko na ito.
           
Unang taon. Unang araw ng klase sa kolehiyo ngayong araw na iyon. Masaya ako pero kinakabahan. Kinakabahan sa posibilidad na maari akong mabigo. Kinakabahan sa posibilidad na muli nanaman akong mapahiya. Natatakot akong masabihan ng “What are you doing here? Akala ko ba ayaw mo dito?” Praning ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nilunok ko lahat ng pride ko sa katawan at naglakad na ako sa hallway ng school ko. Habang naglalakad ako, nakasalubong ko ang kaklase ko noong high school na niloloko ko noon na ‘loyal’. Napatungo ako. Moment of embarrassment. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bewildered.

            Lumapit sya sa akin at nginitian ako. Niyakap ako at sabay sabi ng

            “Salamat naman magkasama pa din tayo!”

            Natuwa ako sa sinabi nya. Wala na ang kaba ko. Lumakas ang loob ko. Lumakad na ako sa hallway para siimulan ang bagong buhay ko. This is it pansit! Maglalakad ako patungo sa bagong buhay, bagong mga kaibigan, bagong kaalaman at bagong pangarap.


“I wont let my pride interfere with my learning. I’ll do my best to excel and have a name on my own field. Bragging aside.”

D.K. Shin


            Ilang bwan ang nakalipas mula ng una kong pasukin ang hallway ng dati at bago kong paaralan. Masaya ako. Madaming kaibigan na tunay. Walang halong kayabangan. Kung meron man, let them come. Mabait ang teachers ko kilala ang lahat ng estudyante. Walang mangiisnab sayo. Lahat kilala mo. Lahat kilala ka. Parang high school back to basics. High school pa rin pero college na. Uso pa rin ang tawag sa mga teacher na katawag tawag.

            Madaming masasayang memories din pala kung sa “college” ka lang napasok. Eto ang ilan sa mga masasayang pagkakataon lalo na’t block section ka. Random ito at base sa naalala ko. Hindi ko alam kung naranasan mo ito pero isa lang ang alam ko. Kung naranasan mo ito, masaya ang college life mo. Walang pressure, walang hell at wala kang subject na mas gugustuhin mong magpakamatay na lang kaysa kunin ang exam.

            Kapagcollege ka na, marami kang maeencounter na uri ng teacher. May mga terror, kengkoy, beki, katawa tawa, kahiyahiya at kagalang galang. Noong college ako, maraming uri ng professor ko ang napaibilang sa mga uri ng teacher na:

1.     Silent Killer- sila yung mga teacher na walang pakielam kung hindi ka man makinig sa lectures. Kahit matulog ka sa klase nya eh hindi ka nya sisitahin. Mag-ingat ka lang pagdating ng exam dahil sa papatayin ka nya sa hirap ng tanong para magkita ulit kayo sa kasunod na semester.

2.    Hallow armalites- Sila naman yung mga tipong madadaldal at kung anu-ano ang sinasabi na pagtingin naman sa book eh mali na yung sinasabi. Idinadaan na lang sa kadaldalan ang kawalan ng idea sa asignaturang tinuturo nya.

3.    Honorables- Ito naman yung isang uri ng teacher na dahil hindi lahat ng estudyante eh iginagalang sya, nagyayabang na lang si bragger ng mga acheivements nya. Kahit wala namang naniniwala.

4.    Crazy Jokers- Sila naman yung mga nauubos na ang oras ng klase dahil sa katatawa ng mga estudyante nya. Hindi dahil sa lecture kundi sa jokes ng professor at sa mukha nito.

5.    Ghost busters- Sila naman yung mga mahilig maghanap ng multo madalas isang linggo. Kalimitang sila ang nagiging “Ghost” dahil sa palagi silang absent. Ang Ghost busters ang kalimitang best friends ng mga tamad magklase at mortal enemy ng mga tamad maghintay sa klase.

6.    Choppy beavers- sila yung mga nagpapainit ng hapon mo. Hindi dahil sa “hot” sila pero dahil iinit ang ulo mo dahil hindi mo maintindihan ang sinasabi nya dahil sa patigil-tigil sya sa pagsasalita. Nakakabwisit ang mga ganito...

7.    Braggers-Sila naman yung kainaman magyabang sa kanilang nalalaman. Nuknukan ng sipag kung mamigay ng hand-outs na sila mismo ang gumawa. Mahilig sa dictations at hindi nagsusulat sa board.

8.    Idols- Mga teacher na palaging feeling pogi pero ang totoo ay pugo. Palaging nambabati at palaging nakakaway.

9.    Rizalites- sila naman yung mga perpektong teacher na hindi pumapayag na masayang ang oras. Para sa kanila, kabataan ang pag-asa ng bayan kaya dapat hindi maputol ang oras sa pagtuturo.

10.  Favorites- sila yung mga isusumpa mo dahil sa favoritism nila at iisipin mong bakla/tomboy dahil sa palaging napapansin yung mga paborito nila. Sila ang kadalasang pinagmumulan ng mga “teacher’s pet” at “teacher’s enemy”

Ilan lang yan sa mga uri ng teacher sa college. Kilala man nila o hindi, hindi sila makakakiwas sa Mapanuring mga mata ng mga walang pukndangang mga estudyante. Ayos lang. Bawi na lang sa pagpapahirap nila. Fair and square, no hard feelings. Trabaho lang sa kanila, personalan sa amin.

May teacher ako noon na sobrang lapad ng ______. Yung tipong kakailanganin ang tulong ng napakaramingg dentista upang merimedyuhan ang kalabusin nyang ito. Kung. Isa syang Honorable at pass time na namin ang pagtawanan sya. Weirdo ang teacher na ito sa kadahilanang siya yung tipong gusto mong sampalin ng tanong na “Tinatanong?” at kung magtatanong naman kami sya yung tipong gusto nang magsabi ng “ayokong sumagot!” kakaiba sya. Mabait naman ang teacher kong ito na itago na lang natin s pangalang “Ate G” kung bakit G, sa akin na lang iyon. Baka mabasa nya pa ito at tamaan lang sya. Bato bato sa langit, ang tamaan may malaki ang gilagid!

Noon may isa akong hindi malilimutan na guro. Isa syang silent killer pero natuwa ako sa kanya. Sa una eh maaawa ka talaga sa kanya dahil wala talagang nakikinig sa kanya dahil sya ang typical na definition ng salitang “boring.” Siya din yung tipong gagawin ang lahat para lamang mapansin sya. Sumayaw, kumanta, tumula at magpatumbling tumbling pa eh gagawin nya para lang may makinig sa kanya. Isang cross breed ng Silent killer at Rizalites. Kaya lang hindi ka talaga matututo dahil mas pipiliin mong matulog at wag matuto.

Isang naging kapansin pansin sa kanya ang kanyang talino. Nagulat talaga ako nang makipag talo siya sa akin tungkol sa isang joke na sinabi ko. Matalino siya. May laman ang ulo. Mukha lang walang laman ang sinasabi nya dahil walang may gustong makinig sa kanya. Sayang. Born with knowledge of a teacher but not born with the abilities of a teacher. Crap. Tama na.


            Kung noong high school iniisip mo kung anong kahalagahan ng pag kuha ng mga cosine, tangent, cotangent at cosecant, sa college, iisipin mo kung anong kahalagahan ng subject na biology, psychology, theology, pornography este anatomy sa buhay mo lalo na’t accountancy ang course mo. Iisipin mo talaga kung kailangan mo pa bang kwentahin ang halaga na maidudulot sa kumpanya kung hindi mo malalaman ang parte ng katawan mo nag nagpoproduce ng albumin, globulin, hemoglobin at recycle bin.

            Idagdag mo pa ang parusang bitbit ng mga feeling major na subject tulad ng P.E., Humanities, Advertising at kung anu-ano pa. Iisipin mo tuloy na “yung major ko nga hindi nagpapaganyan, kayo pa?! MGA FTW!” oops.. anong iniisip mo? FTW.. for the win. For the win sa kakapalan ang mga subject na yan. Sasayaw ka ba habang naghahanda ng programs? Tatambling ka ba habang nagsosolve ng theorems? At magpapaganda ka ba sa pepresent ng bagong applications? Hindi naman. Kung susumahin, kalahating ng binabayaran sa tuition fee ng isang estudyante ay walang kinalaman sa kurso nya. Baka nga sobra pa.



            Madaming masayang karanasan sa college. Madaming pwedeng maging kaibigan. Yun ai kung bloc section ka. Noong 4th year college na ako, masaya ang naging karanasan ko. Dahil kami kami na lang ang magkakasama simula 1st year, pabawas lang kami ng pabawas. Paclose ng paclose at pasaya ng pasaya. Hindi ko naman sinasabing masaya pag nababawasan kami. Masaya lang dahil minsan, no choice na kami kundi pakisamahan ang isa’t-isa. Dahil sa tagal ng samahan, minsan alam mo na ang takbo ng utak ng kasama mo. Alam mo na kung anong uri sila ng tao, alam mo na kung anung klase silang kaibigan. Saulo mo na ang lahat sa kanila. Alam mo nakung kailan sila iiyak at kung paano sila paiiyakin. Alam mo na kung may praning sa kanila o sira lang talaga ang ulo. Alam mo na ang bawat galaw, bawat kibot at bawat ikot nila. Alam mo na ang amoy nila pamula sa amoy ng ulo hanggang sa amoy ng utot nila. Hindi ka na nalilito kung sino ang sino at kung ano ang ano. Sa haba ng pinagsamahan ninyo ay hindi mo na mamatamisin na mawalay sa kanila lalo na sa mga nalalabing semestre ng samahan ninyo. Hindi mo na gugustuhing matapos ang nalalabing apat na bwan at hindi mo na nanaisin na magkakaiba kayo ng pagtatrabahuhan. Ganyan ako noon bago ako tumungtong sa 2nd sem ko noong 4th year ako. OA oo pero ganito din ako noong high school palibhasa’y galing din ako sa isang bloc section noon. Mahirap pag sobrang attached na kayo sa isa’t-isa. Masaya lang ang pag may pagkakataong maiisip mo na “ai pwede naman kaming magkita kahit magkakalayo na.” Ganyan din ang sabi ko sa sarili ko noon para lang hindi ako malungkot sa pagtatapos ko sa high school pero kahit gaano kadalas nyo gustong magkasama, hindi mo magawa dahil sa hirap ng college. Eh kung mahirap ang college, ano pa ang real world?



            There are a lot of things that awaits us outside the premises of the hard and thick walls of the schools. No matter how hard you strive, there would still be things that would turn you down, and bring your world upside down.

-Bebang


To be continued